Sunday, June 25, 2017

Katangiang Pisikal ng Daigdig (Asignatura #1)

3 halimbawa na nakaiimpluwensya sa Pisikal na Katangian ng Daigdig:
  • Longhitud at Latitud
  • Klima
  • Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

  • Longhitud at Latitud
Ang Longhitud ay ang mga pababang linya sa mapa o globo. Ito ang nagbibigay direksyon sa silangan o kanluran. Ang mga longhitud ang ginagamit upang tukuyin ang oras sa bawat bahagi ng mundo. Ang bawat longhitud na isang digri ang layo ay may distansyang 111.32 km. Sa mga pulo nagtatagpo ang mga meridian. Bawat digri ng longhitud ay nahahati sa 60 minuto.
                                                        

Image result for latitude and longitude
Ang Latitud ay ang mga pahalang na linya sa mapa o globo. Ang latitud ang nagbibigay ng lokasyong hilaga o timog ng ekwador. Ito rin ang mga linyang ginagamit upang tukuyin ang klima sa isang bahagi ng mundo.

  • Klima
Ang klima ay ang kalagayan o kundisyon ng atmospera na karaniwan sa mga rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Mahalaga ang papel ng klima dahil ito ang nagbibigay ng kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init at tulong upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa.

Image result for klima clipart
  • Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig
Ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon ay tinatawag na topograpiya. Sa pagdaan ng mga panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran.
Sa kasaysayan ng sang katauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan sa daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak ilog. Kabilang dito ang mga lambak- ilog ng Tigris-Euphrates, Indus at Huang Ho sa Asia at Nile sa africa.
Image result for lambak ilog ng tigris euphrates

Mga Sanggunian
http://ap4hs.blogspot.com/2015/08/first-quarter-aralin-1.html

http://www.learner.org/jnorth/tm/LongitudeIntro.html

http://www.berlin-reiseinfo.de/Klima_Berlin.php

https://www.emaze.com/@ACTQLFR/KABIHASNAN.pptx

1 comment:

  1. Maganda ang paggamit ng mga larawan, ngunit kulang sa nilalaman. Hindi nasagot ng tama ang tanong. 22/30 ang marka.

    ReplyDelete